Sunday, September 16, 2007

Ang Hirap Maging Dancer...


Kanina after work, ininvite ako ni Kurin sa Music 21 sa Makati Avenue. Kasama rin pala si Wina, Jo at Windsor. Ok palan dun, own room tapos may food na, then sing all you can. So syempre, nagconcert ako, haha, naka-ilang kanta rin ako nun at halos mawala na boses ko (well, kantahin ba naman ang Ghost of You ng Chemical Romance).


Pero ang highlight ng gabi ay ang concert ni Wina na nagiging Britney/Paris pala kapag may hawak na mic at dim light. hehe. Syempre kailangan ng back-up dancer at boytoy sa performance, parang MTV, ganun hahaha, at sino pa ba yun kundi *ahem* yours truly. hahaha. Grabe super sayaw ako, nakakadala naman kc yung mga songs eh, lalo na yung Goodies ni Ciara. Wild kung wild, tame kung tame. Lahat yata ng alam kong dance moves ginawa ko na. Kakapagod. Kulang na lang sumirko ako dun at maghubad, well, jacket lang hinubad ko for props hahaha. Ang saya talaga, enjoy na enjoy. Hindi ako lasing nyan ha.

Tapos pag uwi hinatid pa ako ng taxi, wala talagang effort hehe. Sa may house na namin ako bumaba. *kapal*

Lahat yan libre ni Windsor. Seven pesos lang nagastos, pamasahe ko papunta dun. Nilibre rin kami nyan dati sa Rush Hour 2. Mayaman cguro yun.

Thanks talaga! Enjoy ako to the max. Sa uulitin....... *wink*

No comments:

Post a Comment