Monday, March 17, 2008

ANG BAYANING LOLA DAIG PA SI SUPERMAN AT WONDER BRA!!!

Kaninang umaga nangati ako...



....nangati akong mamili ng adapter para micro-SD card ko! So, since walang kwenta CDR-King sa Glorieta at MRT Ayala, punta ako sa Pasay, dun sa jologski na mall dun na may CDR-King din. So sakay ako ng jeep na M. Reyes papunta dun. Nakashorts lang ako at nakalagay sa pocket nun ang pera ko at phone. Apat lang kami sa jeep. Sa harap ko si lola na may hawak na brown na umbrella, ella, ella, ella... to my right naman eh magjowang hindi bagay kasi ang ganda ng girl tapos yung guy... *ahem*.

Anyway, may nagtext sakin, so nilabas ko si Nikita (name ng phone ko). Tapos, habang ginagamit ko si Nikita, biglang sinundot ni lola ng umbrella, ella, ella, ella nya yung mama na may jowang pretty. Akala ko kung ano na, yun pala may 500 pesos sa upuan. Sheet, ang bilis ng kamay ko, dakma ko agad yung pera bago pa makuha ng mama na may jowang pretty! Why?!? Eh, sakin yun noh!!! Tapos aangkinin pa dapat ng mama na may jowang pretty buti na lang lola came to the rescue!!! Sabi nya, "Wag mo kunin, sa bata yan! (sabay sundot ulit ng umbrella, ella, ella, ella nya).

Haaay, lola, ang nasabi ko lang sa kanya eh isang napakatamis at taos-pusong, "Thank you po!" kasabay ng isang napakaluntiang ngiti. Hehe. Tapos bumaba na si lola, nalungkot ako kasi ang bait nya, baka last na pagkikita na namin yun. May utang na loob ako sa kanya. Kaya lola, magkikita pa tayo, at this time, ako naman tutulong sa iyo! Promise!

Tapos wala naman akong napala sa CDR-King dun, puro out of stock!!! Buti na lang inaya ako ni PJ sa Market Market papagupit daw sya. So, sugod naman ako. Ang ganda talaga sa may Market Market parang Subic. Ang ayos. I specifically love the bus system nila. Ang cute!!! bayad muna bago sakay, then may mga shed na nakapila talaga mga tao. Ang ayos! Dami pang cute girls na sumasakay, yihee. So, lakad lakad kami sa Market Market. Tapos nilibre ako ni PJ ng sushi, as in maraming sushi na iba iba, hindi ko naubos. Tapos nagpabili rin ako ng minidonuts na cinnamon (kapal talaga). Eh, nauhaw ako, nagpabili din ako ng Coke. (Maximum level na kakapalan na toh!) Hahaha. Tapos nagpahinga lang ako ng konti sa bahay nila, then kumain ulit, tapos umuwi na ako. Syempre, sakay ulit ako ng my ever-beloved bus sa Market Market. Sarap ng byahe dun.



Then, I decided to go check out yung CDR-King sa MRT Ayala baka may stock na.. pero daming tao, so dun ako punta sa Park Square na branch. Leche! Panget talaga ng customer service nila!!! Ang bagal tapos may pila, pero bakit hindi sinusunod??? Kasi may guy sa likod ko na nauna pa sakin tapos may sumingit na matanda, ang epal, feeling naman may express pass sya sa pila?!? Eto namang saleslady nasisindak, pinapagbigyan yung mga singit. Sheet, hindi puede yan noh!! Kaya sabi ko, "Excuse me, do you think it's fair that he gets to buy whatever you call that when I actually got here first?" HAHAHA. Wala nasabi yung saleslady. Tapos yung mama kapal talaga deadma lang!!! Tapos sabay walk out na ako pero sinabi ko muna, "Bibili pa naman sana ako ng maraming maraming CD!!!!" Hahaha. pati yung mga nasa likod ko na line nag alisan din, oha oha!! Convincing power lang talaga! =)

Pero the best pa rin si Lola... I LOVE YOU LOLA!!!

No comments:

Post a Comment