Sunday, March 16, 2008

Hay Nako, Kaasar Yung Bading Na Yun!!!


Kanina kasi nagpunta ako ng Glorieta. Aba! At puro sale yata ngayon... bumili ako sa Bench, tapos natuwa ako sa saleslady kaya nahikayat nya ako kumuha ng "loyalty card". Ok pala yung rewards program na yun kasi yung point system eh 1 is to 1. Meaning, kanina naka 971 pesos ako, so naka-earn din ako ng 971 points! Astig! Kaso hindi pa malinaw kung ano makukuha ko sa mga points na yon?!? Toinkz!

Anyway, after nun, sugod ako sa Mossimo. Aba, daming tao! In fairness, mabenta si Pareng Mossimo. Heh. Namili ako, pero bakit ganun? Diosmiyo, iba yung tag price! Napasubo tuloy ako kasi ang mahal pala! Pero hindi yan ang highlight ng pamimili ko sa Mossimo. Sheet, yung bading sa dressing room nakakaasar. Ang epal ha! Papasok ako, tapos dun sya nagbibihis sa aisle mismo. As in, josko, nawalan ako ng gana magbihis kasi naman puro tiyan ang nakita ko!!! Ang dami namang vacant na cubicle, tapos may full-size mirror din sa loob!!! Tapos nung pumila ako sa cashier, leche, sya pa yung nasa harap ko. I swear, feel na feel nya talaga! Bakit kaya may mga bading na ganyan? Well, maraming ganyan feel na feel masyado, as if luluhuran mo sila. Tapos sabihan ba naman yung saleslady na last season pa yung nakalagay sa manequin!!! I swear, sarap sabunutan ng kanyang long hair... sabay basubas sa cashier! Hahaha!

Tapos eto pa sa CDR-King, bibili kasi ako ng adapter para sa Micro-SD na memory card. Hindi ko pa nasasabi kung ano bibilin ko, reply agad itong saleslady, "Wala po kami nyan!" Tumbling talaga ako! hahaha! Pero may point sya, psychic!! Wala kasi pala talaga, out of stock daw hahaha!

Hay nako, wala pa akong tulog. Pagod ako. Inaway pa ako ni Royce kasi hindi ko sya nisamahan magsimba, eh hello, I'm not Catholic kaya! ^_^ Kaya sorry naman.... hayop lang... teehee.

Nitatamad ako. Hoy Chris wag kang tamad!! Masama yan!! HUWAG!! BUMANGON KA!!! =)

No comments:

Post a Comment