He made me do it! -- That's my mantra yesterday when we went to Quiapo. Grabe, ang galing ko, nakakabilib, yung hindi kayang gawin ni KC ginawa ko! haha. And funny pa eh sinuhulan pa ako ng strawberry icecream before ko gawin yun, so mas lalong naging awkward ang itsura ko kasi I'm licking a pink ice cream while doing it. It's fun, though. I kinda liked the adrenaline rush just thinking about it. And I won't forget the smile sa face ni "kuya" when I said the "magic words." LOL! Medyo nahiya ako na natawa. Pero good (in this case, more like bad) boys get rewarded, he'll treat me sa Global Fun later!! Hooray!! So, Kc, if you want more, I think I can do it again.... LOL! Nag-enjoy? Guess nyo na lang kung ano ginawa ko. (clue: hindi lahat may guts na gawin yun!)
Then after nun, we went sa Luneta. Grabe, first time ko magliwaliw sa Luneta ng gabi. Medyo marami rin palang tao noh? Pero Sunday kasi, sabi ni KC, "Day off nila," kaya maraming tao. Katawa, we were looking for Rizal's monument, then nakita na namin kaso sabi ko bakit parang wala si Rizal??? Haha. Tapos sabi ni KC baka raw hindi yun yung monument baka nasa other side. Pero sabi ko kamukha ng nakita ko sa postcard eh, minus Rizal. Yun pala, we were looking at the back side. Haha! Umikot kami, ayun nakita na namin si Rizal!!! Haha... engot lang eh! Dumb blondes moment. LOL! So picture picture... may nakasabay kaming nagpicture taking din... yung una group of girls, sabi ni ate while taking pics... "Okay. Ridi, git sit... *click* Tapos si kuya hanep and posing, tuwad kung tuwad ang drama! hahaha!
Tapos while walking katacute yung mga creatures ha! May bat na lumilipad... shocks... takot ako sa bats kasi ang creepy! Tapos he's flying above our heads lang! Eeeek!! Si KC ang tapang hindi scared sa bat. Parang wala lang. Tapos may nakita kaming horses, yung may karitela na puede ka sumakay. Ang astig. Gusto ko sana sumakay rin kaso KC won't even get near the cute horse... takot pala sya sa kabayo!! (kala ko pa naman ang tapang kc hindi takot sa bats... kabayo lang pala katapat neto! haha!). So ayun, hindi kami nakasakay, sayang sarap pa naman nun kasi dati nakasakay na ako sa likod ng kalabaw sa bukid, ang galing!!!
Tapos eto pa, ang freaky. Pumunta kasi kami dun sa may malaking map of the Philippines, yung parang lake sya... katakot the gays ha. We were looking eh ang panget walang lights, so alis na kami, then yung gay sabi, "Psst, kuya, cute mo.. blah blah..." parang ganun (I think referring to KC kasi he's wearing sando kaya), so ignore lang namin, tapos shet pagtingin namin ang dami pang gays na akala yata eh "for sale" kami haha katacute sila! Talagang tinatawag kami tapos parang lalapit.. shet.. natakot ako, eh pano ba naman dami nun noh baka kuyugin kami!! Shocks, eh lalake pa rin yun, malakas rin, mahirap ma-rape sa Luneta!! hahaha! Buti na lang nakalayo kami agad.
So, we're waiting for FX na. Nakatayo lang kami, then this freaky girl shouted at us! Like hello, para syang disturbed!! Ang freaky!! Haaay... lumayo na kami sa kanya, baka kung ano pa gawin nun!! Exciting pala talaga sa Luneta? Hehe. Mabuti nakasakay na kami ng FX. Tapos nag-jeep na lang kami pa-Evangelista sa Buendia. Pero natacute pa rin ako kasi yung guy (parang gay sya in fairness) sa jeep ang weird. Kasi pagbaba ni KC, kaming 2 na lang naiwan sa likod ng jeep, tapos yung tingin nya nakakatacute!!! Pailalim ang pucha... natacute tlg ako bababa sana ako noh!! Buti na lang may sumakay na girl, whew!!!
Ayun, nakauwi naman ako in one piece. And in a few hours, Global Fun!! Yey!!! And tomorrow's my birthday... I'm not expecting anything though. Just wanna have fun later!! =)
(PS: I was sick pa nung nangyari yang mga yan ah! Bionic man lang tlg eh!)
No comments:
Post a Comment